Kaso ng Japanese encephalitis sa Pampanga, tumataas pa; bilang ng namatay dahil sa sakit, umabot na sa apat

Pampanga – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng sakit na Japanese encephalitis sa lalawigan ng Pampanga.

Ang Japanese encephalitis ay isang uri ng sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok.

Karaniwang sintomas nito ay mataas na lagnat, pananakit ng leeg at pagbabago sa behavior ng pasyente.


Base sa datos ng Regional Institute for Tropical Medicine, mula sa 259 na hinihinalang kaso nito mula Hulyo, 32 ang kumpirmado.

Apat na ang naitatalang patay sa lalawigan dahil sa Japanese encephalitis.
Sa ngayon, nagkukulang na ang suplay ng mga bakuna dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng nasabing sakit.

Facebook Comments