Kaso ng katiwalian laban kina Sen. Win Gatchalian, Cong. Weslie Gatchalian at iba pang miyembro ng kanilang pamilya – ibinasura ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Tuluyan nang ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong katiwalian laban kina Senador Sherwin Gatchalian, Cong. Weslie Gatchalian at iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Ito ay may kaugnayan sa pagbili ng Local Water Utilities Administration o LWUA ng thrift bank ng Express Saving Bank noong 2009 na co-owned ng mga Gatchalian.

Sa inilabas na desisyon ng sandiganbayan 4th division, lifted na rin ang hold departure order o laban sa mga Gatchalian.


Bagama’t lusot na ang mga Gatchalian, tuloy naman ang pagdinig sa kaso laban kay Cong. Prospero Pichay na siyang pinuno ng LWUA at dating LWUA Executive Wilfredo Feleo.

Sa imbestigasyon kasi ng ombudsman, nabatid na nalugi ang gobyerno sa pinasok na investment ni pichay sa express saving bank.

Facebook Comments