Kaso ng Leptospirosis sa bansa, umakyat na sa halos 1,000

Lumolobo na rin ang kaso ng Leptospirosis sa bansa.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), aabot na sa halos 1,000 kaso.

Karamihan sa mga pasyente ay isinugod sa National Kidney Transplant Intitute (NKTI) kung saan binuksan na ang kanilang Gym para gawing ward.


Ayon kay NKTI Executive Director, Dr. Rose Marie Liquete, ang mga pasyenteng nagkaroon nito ay yung mga lumusog sa kasagsagan ng baha noong habagat.

Ilan sa mga sintomas ng Leptospirosis ang lagnat, panginginig, pananakit ng kasukasuan, at pamumula ng mata.

Facebook Comments