KASO NG LEPTOSPIROSIS SA PANGASINAN, NAKITAAN NG PAGTAAS SA UNANG ANIM NA BUWAN NGAYONG TAON

Binabantayan ngayon ng Provincial Health Office ng Pangasinan ang kaso ng Leptospirosis sa lalawigan kasabay ng nararanasang mga pag uulan.

Saad ni Provincial Health Officer Dr. Anna Maria Teresa De Guzman, na base sa kanilang monitoring, naitala ang 14% na pagtaas sa kaso ng naturang sakit sa buong probinsya.

Sa tala ng pamunuan ng PHO, mula sa unang araw ng Enero hanggang buwan ng Hunyo ngayong taon ay may walong kaso na ang naitala sa lalawigan.


Sa bilang na ito ay isa ang nasawi na mas mataas kumpara sa naitalang kaso sa parehong period sa taong 2020.

Samantala, suspendido sa ngayon ang Express Lane para sa mga pasyenteng dinapuan ng Dengue at Leptospirosis sa lahat ng pampublikong pagamutan sa Lalawigan dahil naman sa pandemya na dulot ng COVID 19.

Mahigpit na paalala naman ng health authorities na gawin ang parte upang mapangalagaan ang sarili at katawan mula sa mga iba pang sakit.

Facebook Comments