Pabata na nang pabata ang mga nagkakasakit sa kidney sa bansa.
Sa Media Forum sa QC, sinabi ni Dra Rudi Kuhn, Chief fellow of Radiology ng National Kidney And Transplant Institute, ang dahilan nito ay ang nagbabagong lifestyle ng mga kabataan partikular sa kalidad ng kanilang kinakain at sa kawalan na ng physical na aktibididad.
Base sa datus ng NKTI, may kabuuang 10,800 pinoy ang naidadagdag na bagong kaso ng chronic kidney disease kada taon.
Habang mula tatlumpung libo hanggang apatnapung libong pasyente na may chronic kidney problem ang nangangailangan ng dialysis.
Nasa 7,109 ckd patients na ang naitala ng nkti as of 2017,
at mahigit sa 240 transplants ang naisasagawa ng NKTI kada taon.
Bilang Sa paggunita ng taunang National Kidney Month Celebration, magbibigay na ng libreng kidney check screening ang National Kidney and Transplant Institute tuwing biyernes ngayongbuwan ng Hunyo,
Bukod sa libreng check up sa kidney, magpapatupad rin ng lay forum at information campaign ang NKTI tungkol sa Leptospirosis prevention , Digital Rectal exam and mens health forum at urology in- house surgical mission.
Isinusulong din ng NKTI ang Renal Health Advocacy Programs tulad ng Renal Desease Control Program na isasagawa sa ibat ibang areas sa Cagayan de Oro City, San Mateo, Rizal, Iloilo City at San Fernando, La Union.