Kaso ng may sakit sa kidney sa bansa, pabata nang pabata, ayon sa National Kidney and Transplant Institute

165

Pabata na nang pabata ang mga nagkakasakit sa kidney sa bansa.

 

Sa Media Forum sa QC, sinabi ni Dra Rudi Kuhn, Chief fellow of Radiology ng National Kidney And Transplant Institute, ang dahilan nito ay ang nagbabagong lifestyle ng mga kabataan partikular sa kalidad  ng kanilang kinakain at sa  kawalan na ng physical na aktibididad.


 

Base sa datus ng NKTI, may kabuuang 10,800 pinoy ang  naidadagdag na  bagong kaso ng chronic kidney disease kada taon.

 

Habang  mula tatlumpung libo hanggang apatnapung  libong pasyente na may chronic kidney problem  ang nangangailangan ng  dialysis.

 

Nasa  7,109 ckd patients na ang naitala ng nkti  as of  2017,

at mahigit sa  240 transplants ang naisasagawa ng NKTI kada taon.

 

Bilang Sa paggunita ng taunang  National Kidney Month Celebration, magbibigay na ng  libreng kidney check screening  ang National Kidney and Transplant  Institute tuwing biyernes ngayongbuwan ng Hunyo,

 

Bukod sa libreng check up sa kidney, magpapatupad rin ng lay forum at information campaign ang NKTI  tungkol sa  Leptospirosis prevention , Digital Rectal  exam and mens health forum at urology in- house surgical mission.

 

Isinusulong din ng NKTI ang Renal Health Advocacy Programs tulad ng Renal Desease Control Program na isasagawa sa  ibat ibang areas sa  Cagayan de Oro City, San Mateo, Rizal, Iloilo City at San Fernando, La Union.

 

Facebook Comments

From Advertisers