Cauayan City, Isabela- Aabot sa kabuuang 180 ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sa Santiago City.
Ito ang inihayag ni Mayor Joseph Tan sa kanyang public address kagabi, Oktubre 12, 2021.
Ayon sa alkalde, nasa 205 ang aktibong kaso sa lungsod habang umakyat na sa 6,498 ang confirmed cases.
Nasa 6,113 naman ang total recoveries na naitala ng lungsod mula sa nakapanghahawang sakit na COVID-19.
Ayon kay Tan, nagkaroon ng pagbaba ng mga naitalang kaso ng COVID-19 kumpara sa mga nakalipas na linggo.
Samantala, umabot sa 13,405 ang naitalang admitted sa mga quarantine facilities ng lungsod subalit nasa 124 na lang ang kasalukuyang pasyente na naka-admit dito.
Sinabi pa ni Tan, nasa 68,414 ang indibidwal na nakatanggap ng first dose ng bakuna habang 47,181 para sa second dose.
Hinimok naman ng alkalde ang publiko na magpabakuna at iwasan ang pangamba dahil tiyak naman umano na ligtas itong iturok sa katawan.