Kaso ng mga Parojinog, pwedeng ilipat sa Maynila

Manila, Philippines – Maaring hilingin ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalipat ng mga kaso ng mga Parojinog sa Maynila mula sa Ozamiz Regional Trial Court.

Ito ay kasunod ng pahayag ni judge Edmundo Pintac at Salome Dungog ng Ozamiz RTC branch 35.

Ayon kay Pintac – ang pagdinig sa kaso ng magkapatid na Parojinog ay marapat na isagawa sa ibang lugar at hindi sa Ozamiz.


Nagsabi naman si Dungog na hindi mapapangunahan ang pagdinig sa kaso dahil siya ay magreretiro na sa Agosto 22.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera – nasa desisyon ng DOJ kung hihilingin nito ang pagpapalipat sakaling walang judge na sa Ozamiz RTC na magnanais humawak sa kaso ng mga Parojinog.

Facebook Comments