Kaso ng mga siyam na Pinoy na nahatulan ng kamatayan sa Malaysia, kumpiyansang mababaligtad ayon sa DFA

Malaysia – Umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mababaligtad pa ang desisyon korte hinggil sa hatol na kamatayan sa siyam na Pilipino sa Malaysia.

Matatandaan na ang nasabing siyam na pinoy ay kabilang umano sa armadong grupo na lumusob sa lahad Datu, Sabah taong 2013.

Ayon kay Atty. Tanya Ramiro ng DFA Migrant Workers Affairs – na hindi pa naisasapinal ng Malaysian Court of Appeals ang hatol sa mga Pinoy.


Sinabi pa ni Ramiro – desidido ang gobyerno na mailigtas ang mga hatuladong Pilipino.

Tiniyak naman ni foreign affairs Spokesperson Robespierre Bolivar – na i-aapela nila sa Malaysian Government ang kaligtasan ng siyam na Pinoy.

Sa tala ng DFA, sa Malaysia ang may pinakamataas na bilang ng mga Pilipinong na nasa death row.
DZXL558

Facebook Comments