Pamilya Kiram, ikinagulat ang desisyon ng korte sa Malaysia na hatulan ng parusang kamatayan ang siyam na Pilipino

Malaysia – Ikinagulat ng pamilya Kiram ang naging desisyon ng korte sa Malaysia para sa mga pinoy na umano’y nasangkot sa gulo sa Sabah noong 2013.

Nabatid na kasama si Datu Amirbahar Hushin Kiram sa siyam na pinoy ang nahatulan ng parusang kamatayan.

Ayon kay Princess Jacel Kiram, pinsan ni Datu Amirbahar – hindi makatarungan ang naging hatol sa kanyag pinsan.


Aniya, para sa kanilang pamilya, walang basehan ang naging desisyon ng korte dahil gusto lamang ng Malaysia na isuko nila ang kanilang claim sa Sabah.

Dahil dito, balak na nilang dumulog sa Department of Foreign Affairs at hihiling ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.
DZXL558

Facebook Comments