Batay ito sa datos na inilabas ng Cauayan City Command Center.
Karamihan sa mga sangkot sa mga banggaan at iba pang klaseng insidente sa lansangan na kinabibilangan ng mga motorsiklo ay mga tsuper o drayber na lango o may impluwensya ng nakalalasing na inumin o alak.
315 mula sa 562 ang naitalang bilang ng mga drayber na nakainom ng mangyare ang aksidente sa kalsada.
Habang nasa 313 naman ang mga indibidwal na hindi nakasuot ng helmet;
At nasa 15 na katao naman ang naideklarang namatay dahil sa motorcycle accident.
Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang kampanya ng Land Transportation Office sa lahat ng motorista lalung-lalo na ang mga Cauayeño na mag ingat sa paggamit ng kalsada at huwag ng gumamit ng motorsiklo kung nakainom na.
Pinapayuhan rin ang publiko na panatilihin at ugaliin ang pagsusuot ng helmet malayo man o malapit ang pupuntahan bilang proteksyon na rin umano kapag may nangyaring hindi inaasahang aksidente.