FLIGHTS NA TAIPEI-CATICLAN, ILULUNSAD NGAYONG BUWAN NG DISYEMBRE

Kalibo, Aklan – Bubuksan na ngayong buwan ng Disyembre ang panibagong direct flight mula Taipei papuntang Caticlan airport. Ito ay matapos inanunsyo ng Royal Air Philippines ang biyaheng Taipei, Taiwan papuntang Caticlan Airport. Base sa nasabing airline company magsisimula ang kanilang anim na charter flights simula Disyembre 26, 2022 hanggang Enero 15, 2023. Dahil dito ay mapapaigsi ang travel time ng mga pupuntang Boracay mula Taipei sa 45 minutos. Sa ngayon kasi ay kailangan pang dumaan sa Kalibo International Airport (KIA) ang mga turistang pupunta sa isla ng Boracay.
Facebook Comments