South Cotabato, Philippines – Nababahala na ang South Cotabato Integrated Provincial Health Office sa posibleng pagtaas pa ng kaso ng rabies sa probinsya.
Ito ay matapos na umabot na sa 10 katao ang naitalang patay dahil sa rabies.
Ayon kay South Cotabato Health Officer Dr. Rogelio Aturdido – sa naturang bilang, dalawa ang nakagat ng aso sa ibang lugar at namatay lamang dito sa lalawigan.
Ang huling naitalang namatay dahil sa rabies ay residente ng barangay Desawo, T’boli, South Cotabato.
Kaugnay nito, mahigpit na pinaalalahanan ng opisyal ang publiko na huwag hayaang makagat ng aso at sakaling hindi ito maiwasan ay agad na pumunta sa pinakamalapit na animal bite center upang malapatan ng kaukulang rabies vaccine.
Facebook Comments