Cauayan City – Umakyat pa sa 116 bilang ng mga indibidwal na nagtamo ng injury dahil sa paputok noong panahon ng Pasko at Bagong Taon sa buong Region 2.
Ayon sa ulat mula sa Department of Health Cagayan Valley, 89 sa mga ito ay pawang mga lalaki kung saan dalawang taong gulang na bata ang pinakabatang biktima habang 66 naman ang pinakamatanda.
Kung sa nakaraang ulat ay pinakamarami ang nabiktima dahil sa boga, ngayon ay mas marami na ang bilang ng naputukan ng “kwitis” na umabot sa 31.
Isa naman ang naitalang na-amputate, 24 sa mga ito ang nagtamo ng eye injury, habang wala namang naitalang nakalunok ng paputok at tinamaan ng ligaw na bala.
Sa kasalukuyan, dalawa sa mga biktima ay kasalukuyan pa ring naka-admit sa hospital.
Facebook Comments