Pumalo na sa 88 ang bilang ng Omicron Variant sa Ilocos Region, ayon sa Ilocos Center for Health Development.
Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 Information Officer, nangunguna sa may pinakamaraming omicron Variant ay ang La Union at Ilocos Norte na mayroong 26 na kaso, 19 sa Pangasinan, 11 sa Ilocos Sur at anim sa Dagupan City.
Sa nasabing bilang, 73 ang local residents at 15 ang returning OFWs.
Bagamat nakapagtala ng 88 kaso ng Omicron Variant ang rehiyon , nanatiling dominant ang Delta Variant dito na mayroong 389 na kaso.
Tuloy-tuloy naman ang pagpapadala ng sample specimen ng ahensya sa Manila upang malaman kung Omicron Variant ang tumama sa isang indibidwal.
Ang Region ay nakapagtala na ng 113, 051 kung saan 13, 393 ang aktibong kaso. | ifmnews