Lumabas sa pag-aaral ng US-based National Center for Missing and Exploited Children (US-NCMEC) na tatlong beses na mas marami ang naitalang kaso ng online child sex abuse sa Pilipinas sa gitna ng Coronavirus pandemic.
Batay sa inilabas na datos ng US-NCMEC, nasa kabuuang 279,166 ang naitalang kaso ng online child sex abuse sa bansa mula March 1 hanggang May 24.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), sinamantala ng mga traffickers ang panahon kung saan kinakailangan ng mga tao na manatili sa kanilang bahay at marami ang nawalan ng pagkakakitaan.
Nagpalala pa umano rito ang pagkalat ng mura at mataas na speed ng internet maging ang pagdami ng mobile phone ownership sa cybersex trafficking sa mga nakalipas na taon.
Dahil dito, itinuturing na isa ang Pilipinas sa ikinokonsidera ng charities na epicenter ng global trade.
Sinabi naman ni International Justice Mission (IJM) National Director Samson Inocencio, na mahigit kalahati sa mga naaresto sa online child sex abuse simula 2011 ay mga magulang, kaanak o family friends ng mga biktima.