Mas lumala ang kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) simula noong 2019 hanggang 2021.
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mahigit kumulang 331 na ulat ang kanilang natanggap tungkol sa online abuses lalo na ngayong pandemya.
Sa nasabing bilang, 138 sa mga ito ay mula 2019 habang 129 na kaso naman ngayong taon kung saan 64 na kaso ang naitala mula Enero hanggang Setyembre.
Kaugnay nito, maituturing pa ring “borderless” ang nasa likod ng ganitong krimen na kadalasan ay nasa ibang bansa.
Sa kabila nito, tiniyak ng DSWD na ginagawa nila ang lahat para mapigilan ang paglala pa ng ganitong krimen.
Facebook Comments