Kaso ng pagpatay at panggagahasa sa isang transgender man sa Quezon City, naresolba na ayon sa QCPD

Inihayag ni Police Brigadier General Antonio Yarra, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) na resolved na ang kaso ng panghahalay at pagpatay sa isang transgender man sa Quezon City.

Ito ay matapos mahuli ang tatlong suspek sa nasabing krimen.

Ayon kay Yara, nakilala ang mga suspek na sina Zander Dela Cruz, alyas Dugong; Joel Loyola alyas Nonoy Sablay; at Richard Araza alyas Tiago.


Batay sa ulat ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, niyaya ng mga suspek ang biktimang si Ebeng Mayor, isang transgender man na mag-inuman bago natagpuan ang bangkay ng biktima noong May 20.

Sa ginawang imbestigayson ng QCPD, lumalabas na pinukpok ang ulo ng biktima, pinagsasaksak, hinalay at pinasukan pa ng kahoy ang maselang bahagi ng biktima.

Ang tatlong suspek ay kakasuhan ng rape with homicide and robbery.

Habang ang suspek na si Joel Loyola ay may karagdagang kaso kaugnay sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Nakakulong na ang mga suspek sa QCPD custodial facility at sumailalim na rin ng drug test.

Facebook Comments