Kaso ng pagpatay at panggagahasa, tumaas simula nang mawala ang war on drugs sa PNP – General Bato

Manila, Philippines – Aminado si PNP Chief Ronald Dela Rosa na naalarma siya sa sunod-sunod na kaso ng pagpatay at panggagahasa sa mga nakalipas na linggo.

Ayon kay Dela Rosa, ngayon lang tumaas ang rape-slay cases sa administrasyong Duterte matapos na mawala ang Philippine National Police (PNP) sa war on drugs ng pamahalaan.

Sinabi ni PNP Chief noong unang 6 na buwan ng kanilang giyera kontra droga bumaba ang mga kaso ng panggagahasa.


Sinabi pa ni Dela Rosa na ang malalang kaso ng panggagahasa na nangyari kamakailan lamang ay ang panggagahasa pagpatay at panununog sa isang empleyado ng banko sa Pasig City na kanyang naikwento kay Pangulong Duterte na ikinagalit nito.

Matatandaang una nang sinabi ng Pangulo na kapag muling tumaas ang heinous crime sa bansa ay muli nyang ibabalik sa PNP ang pangunguna sa war on drugs.

Pero ayon kay Dela Rosa, maghihintay lamang siya kung kakausapin ng Pangulo kaugnay dito ang tiniyak na laging handa ang PNP kung muling ibabalik ang war on drugs sa PNP.

Facebook Comments