PNP Chief Ronald Dela Rosa, umaasang magkakaisa ang mga gun owners para tumulong sa mga awtoridad laban sa posible pang panggugulo ng mga terorista

Manila, Philippines – Umaasa si PNP Chief Ronald Dela Rosa na magkakaisa ang lahat ng gun owners sa bansa para hindi na maulit pa ang panggugulo ng Maute ISIS terrorist Group sa Marawi City.

Inihalimbawa ni Dela Rosa ang mga lugar ng Cotabato, Davao, Iligan, Cagayan De Oro na mag-organize ng mga gun holders para matakot ang mga gustong maghasik ng gulo.

Pero nilinaw ni Dela Rosa na ang maari lamang tumulong sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para labanan ang mga terorista ay ang mga lisensyadong mga gun owners.


Ginawa ni Dela Rosa, ang panawagan matapos dumalo sa opening ceremony ng gunshow na isinagawa sa Megamall Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Facebook Comments