Kaso ng pagpatay kay Percy Lapid, nalutas na pero imbestigasyon, tuloy – SPD

Itinuturing nang “case solved” ng Southern Police District (SPD) ang kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Sa isang interview sa radyo, sinabi ni SPD director Police Brigadier General Kirby John Kraft na nalutas na nila ang kaso dahil natukoy, nahuli at nakasuhan na ang mga suspek sa krimen.

Gayunpaman, ipinagpapatuloy pa rin nila ang imbestigasyon sa kaso upang matukoy ang mastermind.


Bahagi ng imbestigasyon ng mga awtoridad ang pag-review sa radio program ni Lapid mula 2021 hanggang 2022.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa ama ng sinasabing unang middleman na nagplano ng pagpatay sa broadcaster na namatay naman sa New Bilibid Prison dahil sa heart hemorrhage.

Facebook Comments