*San Mariano, Isabela- *Inihayag ni Police Chief Inspector Fedimer Quitives, hepe ng PNP San Mariano, Isabela na hacking incidents o pananaksak ang kadalasang nagaganap na insidente sa kanilang nasasakupang lugar.
Aniya, batay sa kanilang datos ay kadalasang nangyayari ang insidente ng pananaksak o pananaga tuwing katapusan ng linggo lalo na umano sa mga lugar na nasa baryo.
Kaugnay nito’y naisasampa naman umano sa piskalya ang lahat ng mga naitatalang insidente ng pananaksak sa kanilang nasasakupan.
Habang ang mga minor incidents naman ay ipinapabalik na lamang sa tanggapan ng kanilang barangay upang doon na lamang nila ayusin ang kanilang problema.
Facebook Comments