Kaso ng Panggagahasa, Nakapagtala ng Mataas na Crime Rate sa buong Cagayan Valley

Cauayan City, Isabela-Bumaba ang crime rate sa buong Cagayan Valley mula Enero hanggang Hunyo 2021 kung saan naitala ang 3,397 crimes kumpara sa 4, 372 noong nakalipas na taon kung saan nagpapakita ito ng malaking pagbaba sa 975 o 22.30%.

Batay sa report ng Regional Investigation and Detective Management Division ng Police Regional Office 2, mula sa naitalang bilang na 3,397, 2,760 o 81.25% ang nasa ilalim ng Peace and Order Indicator habang 637 o 18.75% ang sa Public Safety Indicator.

Kaugnay nito, nakapagtala ng mataas na porsyento ang Rape incident na may 59 o 31.72% na sinundan ng Murder na may 33 o 17.745; theft na may 32 o 17.20%; physical injury na may 24 o 12.90%; robbery na may 17 o 9.14%; carnapping (motorcycle) na may 11 o 5.91%; homicide na may 9 o 4.85% at carnapping (motor vehicle) na may 1 o .54%.


Sa kabila nito, nakapagtala naman ng 1,531 arrested violators on special laws ang mga awtoridad sa ilalim ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa buong Cagayan Valley region kung saan may pinakamalaking bilang ang lumabag sa Anti-Gambling Law o RA 9287 na umabot sa 443 violators na sinundan ng RA 11332 na may 438 violators at ang kampanya kontra iligal na droga na mayroong 245 violators.

Ayon kay PCol. Emil Tumibay, Chief, Regional Investigation and Detective Management Division, ang pagbaba ng bilang ng kriminalidad ay nauugnay sa holistic crime prevention efforts ng PRO2 kung saan bahagi ng kanilang hakbang na mapatigil ang mga posibleng gawin ng mga lalabag dito.

Gayundin, istriktong implementasyon sa Community Quarantine guidelines ang pagtitiyak na masusunod ang minimum health protocols kung saan limitado ang pakikipag-ugnayan ng tao kung saan malaki ang nabawas sa insidente ng krimen sa rehiyon.

Facebook Comments