Kaso ng Patient-Under-Investigation sa Region 2 dahil sa Ncov, Nadagdagan Pa

*Cauayan City, Isabela*- Inanunsyo ng Department of Health na may naidagdag na kaso ng ‘Patient-Under-Investigation’ sa Cagayan Valley.

Batay sa press release na ipinalabas ng DOH Region 2, isa pang domestic helper na nagmula sa Chaoyang, Beijing, China ang isinailalim sa isolation room matapos umuwi sa Pilipinas nitong Enero 17, 2020.

Nakaranas umano ng ilang sintomas ng hinihinalang Ncov ang nasabing Worker gaya ng ubo at sipon na agad namang isinugod sa Southern Isabela Medical Center at isinailalim sa karagdagang pagsusuri.


Kinumpirma naman ito ng mga doktor na sumuri sa nasabing manggagawa pero hihintayin na lamang ang resulta ng kanyang laboratory test upang matiyak kung ito ba ay negatibo sa nasabing sakit.

Sa kabuuan, dalawa na ang naitatalang Patient-under-Investigation habang isa ang Patient-under-monitoring sa buong rehiyon.

Ayon pa sa DOH-Region 2, bumubuti na ang sitwasyon ng naunang PUI na kasalukuyan pa ring nasa isolation room ng Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.

Umaasa naman ang Kagawaran ng Kalusugan na magiging negatibo ang magiging resulta ng mga pagsusuri sa mga ito upang hindi na madagdagan pa ang kaso ng 2019 Ncov sa bansa.

Facebook Comments