Kaso ng pertussis sa bansa, bumababa na; mahigit 750,000 doses ng bakuna, darating sa susunod na linggo – DOH

Patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng pertussis sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa limampung kaso na lamang kada linggo ang naitatala mula pa noong Mayo kumpara sa tatlong daan na kaso kada linggo noong Abril.

Samantala, nasa kalahating milyong pentavalent vaccine na ang dumating sa bansa ngayong buwan at nasa cold storage.


Inaasikaso pa ang paperworks bago ipamahagi sa mga government health centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sabi pa ni Health Secretary Teodoro Herbosa, nasa 750,000 doses pa ng pentavalent vaccines ang inaasahang darating sa susunod na linggo.

Tiwala ang kagawaran na tuluyan pang bababa ang mga kaso ng pertussis dahil sa pinalakas na bakunahan.

Facebook Comments