Iniimbestigahan na ng LGU at health officials ang insidenteng naturukan ng COVID-19 vaccine ang isang anim na buwang sanggol sa Sta. Maria, Bulacan.
Nabatid ng ina ng sanggol na noong Disyembre 29 ay tumungo sila ng health center upang maturukan ang anak niya ng dapat sana ay pneumococcal vaccine.
Dahil dito, mino-monitor ng mga opisyal ang kundisyon ng sanggol kung saan nakararanas lamang ito ng lagnat.
Sa ngayon, mga 12-anyos pa lamang ang maaaring mabakunahan habang ang edad lima hanggang 11-anyos ay sa unang linggo ng Pebrero pa sisimulang maturukan ng bakuna.
Nagpaalala naman ni chairperson ng National Vaccination Operations Center (NVOC) at Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa mga vaccinator na dapat magkaiba ang refrigerator ng COVID-19 vaccines sa regular na bakuna.