Suspek sa bumaril ng piskal na nag-eehersisyo sa tapat ng bahay sa Cavite, arestado!

1153

Arestado sa ikinasang buy-bust operation ang suspek sa pamamaril ng isang piskal habang nag-eehersisyo sa tapat ng bahay nito sa Trece Martires, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Marvin Linaban, 44 anyos.

Nabatid na tatlong beses na pinaputukan sa ulo si Assistant City Prosecutor Edilberto Mendoza noong Disyembre 31 ng nakaraang taon habang nakatalikod matapos ibaba ang jumping rope.


Ayon kay Cavite Provincial Investigation and Detection Unit Chief Police Lieutenant Colonel Ricahrd Corpuz, may kinalaman sa hawak na kaso ng piskal ang dahilan ng pagkakapatay nito.

Sianbi naman ng suspek na dalawang linggo niyang minanmanan si Mendoza bago natuloy ang pamamaslang sa bisperas ng Bagong Taon kapalit ng 25,000 pesos.

Sa ngayon, nagpapatuloy na ang follow-up operation ng Cavite Provincial Police Office para matukoy ang mastermind ng krimen at makilala ang iba pang naging biktima ng naturang gun-for-hire group.



Facebook Comments