
Iniulat ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan City nitong Abril 12 ang kapansin-pansing pagbaba ng mga kaso ng suicide sa lungsod, kasunod ng pinalawig na kampanya sa mental health sa ilalim ng SAFEnet program.
Ayon sa lungsod, naging epektibo ang serye ng mga lecture, orientation, at koordinasyon sa iba’t ibang sektor sa pagpapalawak ng kaalaman sa matugunan sa mga nangangailangan ng tulong.
Umabot na umano sa 10,300 rehistradong SAFEnet Advocates ang sumusuporta sa programa na sinanay sa pagbibigay ng paunang tulong.
Tampok sa mga isinagawang orientation ang konsepto ng “Safe Spaces,” kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon at aktibong partisipasyon ng komunidad sa pagpigil sa suicide cases.
Alinsunod ang aktibidad sa Safe Spaces Act (RA 11313) at isinakatuparan sa tulong ng Department of Health, kasama ang mga eksperto at volunteer groups. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










