Baguio, Philippines – 34 cases na ng sunog sa Baguio ang naitala ng Bureau of Fire and Protection (BFP) sa unang quarter ng taon.
Ayon nga kay Senior Fire Officer 2 Camilo Balancia Jr. ng Baguio City Fire Station, forest fire, structural at vehicular fires ang naitalang sunog. Base sa mga records ang sanhi ng sunog ay maaring nagmula sa tao, gaya ng naiwang upos ng sigarilyo, mga batang naglalaro ng posporo o lighter.
Kaya pinapaalalahanan ang mga mamayan na siguraduhing ligtas ang mga tahanan at wala ano man nakasaksak na appliances sa bahay bago iwan. At laging suriin ang mga linya ng kuryente sa bahay upang malaman ang kundisyon ng mga ito at palitan kung kinakailangan para hindi maging sanhi ng sunog.
Idol safe ba ang tahanan mo?
Facebook Comments