PBA | Terrence Romeo, lumipat na sa TNT KaTropa

Manila, Philippines – Tuluyan nang binitawan ng Globalport Batang Pier ang kanilang star player na si Terrence Romeo.

Ipinamigay ng Batang Pier si Romeo at Yousef Taha sa TNT kapalit ni Moala Tautuaa kasama ang 2020 first round pick at 2021 second round pick ng KaTropa.

Labis ang pasasalamat ni Romeo sa Globalport na kumuha sa kaniya bilang 5th overall noong 2013.


Makakasama na ni Terrence ang mga dating player ng FEU na sina Roger Pogoy, RR Garcia at Al Francis Tamsi maging ang dating coach ng Tamaraws na si Nash Racela.

Facebook Comments