Kaso ng Terorismo sa Lungsod ng Cauayan, Marami na

Cauayan City, Isabela- Marami pa rin ang mga naitalang kaso ng terorismo sa Lungsod ng Cauayan na kung saan karamihan sa mga biktima ay mga Kagawad ng kapulisan.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, ito’y bilang tugon ng PNP Cauayan sa request ng Division Investigative and Detection Unit na magpasa ng ulat na may kaugnayan sa banta ng terorismo o anumang kahalintulad na gawain na naitala sa Lungsod.

Base sa kanilang datos, mula July 1, 2016 hanggang May 31, 2020 ay marami ang mga naitatalang kaso ng terorismo at karamihan sa mga nabiktima ay mga PNP personnel.


Umaabot sa 186 na maituturing na violent incidents na isinagawa ng mga teroristang pangkat ang naitala sa Lungsod na bumibiktima sa mga pulis.

Sa naturang datos, 87 na mga kaso ay naisampa na sa korte, 74 dito ay naipasa sa prosecutor’s office habang ang 25 kaso ay under investigation pa.

Ayon sa mga kapulisan sa Lungsod, bagamat may mga panaka-nakang mga ulat na mga aktibidades ng mga legal front ay hindi nila ito itinuturing na pangunahin ngayon sa kanilang mga tinutugunan.

Gayunman, hindi aniya nila ito isinaantabi subalit mayroon aniya silang mas karapat-dapat na unahing tugunan.

Facebook Comments