Naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang theft bilang leading crime sa kalakhang Maynila lalo na ngayong unti-unti nang nagluluwag ang quarantine restrictions.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni NCRPO PIO PLt. Col. Jenny Tecson na simula January 26 hanggang March 1 nakapagtala ang NCRPO ng 288 na kaso ng theft habang 300 theft cases naman ang kanilang naitala mula March 2 hanggang April 5 na bahagyang tumaas ng 4.17%
Maliban dito, tumaas din ang robbery cases sa NCR na sumampa sa 122 kumpara sa 114 sa kaparehong panahon.
Paliwanag ni Tecson, nangyayari ito sa mga lugar na kakaunti ang police visibility tulad ng mga malls at iba pang private establishments.
Kasunod nito, umaapela ang pulisya sa publiko na manatiling vigilante at mapagmanman upang hindi mabiktima ng mga kawatan.