2 bungo na nakasilid sa balde na natagpuan sa isang barangay sa Banga isasailalim sa forensic examination

Banga,Aklan- Nakatakdang isailalim sa forensic examination ang dalawang bungo ng tao na natagpuang nakasilid sa balde sa pangpang ng ilog sa Brgy. Pagsanjan Banga kaninang umaga. Ayon kay PSSgt. Elmar Relente ng Banga PNP, na itututnover umano ang naturang mga bungo sa crime lab ng Aklan PPO para sa pagtukoy kung gaano na ito katagal na nakalibing sa lugar at sa posibleng pagkakakilanlan ng mga bungo na makakatulong sa imbestigasyon. Unang Natagpuan ang mga ito ni Alyas Mucro Natallo nang maapakan nito ang pinaglagyang balde habang naghahanap ng tuway (panguris) sa pangpang ng ilog. Nang binuksan ito, doon na tumambad ang mga bungo na nabalot na ng putik na dahilan para mangitim na pati ang sa loob nito Napag alamang malayo ang mga pamamahay sa lugar kung kayat walang nakapansin dito. Sa ngayon ay hinihintay pa ang maging resulta ng examination magmula sa SOCO Aklan.
Facebook Comments