Kaso ng tigdas sa bansa, papalo na sa higit 16,000

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,411 bagong kaso ng tigdas.

Sa tala ng DOH mula January 1 hanggang March 2, 2019 – aabot na sa 16,349 measles cases ang nadokumento.

Karamihan sa mga natatamaan ng tigdas ay ang mga batang may edad apat na taong gulang pababa.


Mula sa nasabing bilang ng kaso, 9,975 dito ang hindi nabakunahan, 3,028 ang nakatanggap ng hindi pa matukoy na bilang ng doses, 2,686 ang wala pang vaccination status, ang natitira naman ay nakatanggap ng isa o dalawang vaccine doses.

Sa ngayon, pumapalo na sa 261 ang nasawi kung saan 80% ay hindi nabakunahan.

Sa National Capital Region (NCR) naitala ang pinakamaraming bilang ng namatay at sinundan ng Calabarzon, Central Luzon, Eastern Visayas, Ilocos Region.

Ang measles outbreak ay idineklara sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas at Central Visayas.

Ang mga sintomas ng tigdas ay lagnat, ubo, sipon, pamamaga ng lalamunan, pamumula ng mata at koplik’s spots.

Facebook Comments