Konstruksyon ng LRT-1 Cavite extension, sisimulan na sa Abril

“The long wait is finally over”

Uumpisahan na sa Abril ang konstruksyon ng Light Rail Transit (LRT) line 1 extension patungong Bacoor, Cavite.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways Timothy John Batan – masisimulan na sa susunod na buwan ang actual works ng LRT extension.


Ang LRT-1 Cavite Extension Project, ay kokonektahin ang kasalukuyang Baclaran station hanggang sa Niog sa Bacoor, Cavite.

Ito ay isang 11.7 rail extension project na inaasahang makakapagserbisyo ng 410,000 na pasahero bawat araw.

Mapapabilis din ang biyahe mula Parañaque hanggang Bacoor mula 90 minutes ay magiging 30 minuto na lamang.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa fourth quarter ng 2021.

Facebook Comments