KASO NG TUBERCULOSIS SA REGION 1, UMABOT NA SA HALOS TATLONG LIBO; HAKBANG KONTRA SA SAKIT, PINAIGTING

Nagsagawa ang Department of Health- Ilocos Region ng Tuberculosis Active Case Finding sa bayan ng Agoo sa La Union.

Bahagi ito ng hakbang ng kagawaran upang masolusyunan ang mga naitatalang kaso ng sakit sa rehiyon. Isinagawa ang libreng konsultasyon, at Assessment para sa mga indibidwal na may hypertension at diabetes.

Nagkaroon din ng lecture tungkol sa pag-unawa, pag-iwas, at pagkontrol sa TB. Ayon kay Dr. Rheuel C. Bobis ng Regional Communicable Disease Prevention Unit, isinusulong ng ahensya ang patuloy na maagang pagsusuri, paggamot, at pagkilos ng komunidad upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Ilan sa mga isinasagawang hakbang ng tanggapan ay ang mobile screening at Paggamit ng Integrated Tuberculosis Information System (ITIS) para sa mabilisang pag-uulat at pagsubaybay sa mga kaso ng TB.

Binigyang diin ni Bobis na kinakailangan na lahat ng miyembro ng pamilya at indibidwal na nakasalamuha ng pasyenteng may TB ay kinakailangang sumailalim sa screening.

Ayon sa opisyal, umabot na sa 2,819 na naitalang kaso ng TB sa Region 1 mula Enero 1 hanggang Pebrero 28, 2025.

Paalala ng DOH, may lunas at may libreng gamot at paggamot na inaalok ng gobyerno sa TB. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments