Kaso ng Violence Against Women sa Dagupan City bumaba

Siyam na kaso ng Violence Against Women ang naitala sa Dagupan City ngayong 2019. Naitala ito sa unang tatlong buwan ng taon sa panayam ng IFM Dagupan sa Women and Children Protection Desk ng PNP Dagupan.
Ayon kay SPO3 Jailene Aquino, 20 na kaso ng Violence Against Women ang naitala noong 2018, bumaba ito ngayong taon kumpara sa kaparehong tatlong buwan. Pito ang biktima ng RA 9262 o Anti Violence Against Women and their Children ngayong 2019 kumpara sa taong 2018 na mayroong 19 na biktima. Isa ang naitala sa kaso ng Rape noong 2018 at isa rin ngayong taon na nangayri sa buwan ng Enero. Walang naitala noong 2018 sa Acts of Lasciviousness ngunit sa 2019 ay mayroon ng isang naitalang kaso.
Sa kabila ng kaso ng Violence Agasinst Women patuloy sa pagsasagawa ng Dialogue at Seminar sa mga kababaihan, anak at asawa ang PNP Dagupan sa mga barangay ng lungsod upang malaman ang karapatan ng mga ito at mas mapababa pa ang kaso laban sa kababihan.
Dagdag ni SPO3 Aquino huwag tumahimik kung nakakaranas ng pagka abuso at huwag mag alingangang magtungo sa PNP para sa proteksyon. [image: Untitled.png]

Facebook Comments