Kaso ni dating Calauan Mayor Sanchez, matagal nang binitiwan ni Panelo

File photo

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nitong Miyerkules na wala siyang kinalaman sa posibleng paglaya ni dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Panelo, masyado nang mahaba ang 27-taon para maging sangkot sa nakatakdang paglabas ni Sanchez sa New Bilibid Prison (NBP).

“Definitely not. I have withdrawn as his counsel…years ago, tugon ng Presidential Chief Legal Counsel.


Giit pa ni Panelo, matagal na siyang hindi nakikipag-ugnayan kay Sanchez.

Magugunitang isa sa mga abogado noon ng dating alkalde si Panelo sa kasong panggagahasa at pagpaslang sa dalawang estudyante ng UP Los Baños na sina Mary Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.

Samantala, ipinagtanggol ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang espekulasyong kumakalat tungkol kay Panelo.

Pahayag ng kalihim, Bureau of Corrections (BUCOR) ang nagsasagawa ng “recomputation” sa “good conduct time allowance” o GCTA ni Sanchez.

Hindi rin umano kailangan aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaya ng 11,000 preso, kung saan kabilang si Sanchez, dahil sa magandang asal na ipinakita habang nasa bilangguan.

Facebook Comments