Paglaya ni ex Mayor Sanchez, posibleng hindi matuloy ayon kay BUCOR Chief Faeldon

439

Kinumpirma ni Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon na posibleng hindi makasama sa libu-libong makakalaya si dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.

 

Ito anya ay dahil nagpapatuloy pa ang pag-review o pagre-compute sa good conduct time allowance ni Sanchez.


 

Ayon kay Faeldon, isinasa-alang-alang din nila ang illegal drug case ni Sanchez matapos siyang makumpiskahan ng halos isang kilo ng shabu sa loob ng selda nito sa new bilibid prisons.

 

Una nang napabilang si Sanchez sa 11,000 inmates na posibleng mapalaya ng mas maaga dahil sa magandang record sa loob ng piitan.

Facebook Comments

From Advertisers