Kaso ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro, ibinasura ng DOJ

Ibinasura na ng DOJ ang kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa aktor na si Vhong Navarro. Noong nakaraang September 6, 2017 ay nag-apela ang modelo na baligtarin ang naging review ng Prosecutor’s General ngunit hindi pumayag ang DOJ.
Nakakuha ng kopya ang ABS-CBN News kahapon, July 12 ng resulta ng kaso ni Vhong. Nakasulat dito na, “[There is] no sufficient evidence to warrant indictment for rape and attempted rape, there is no compulsion to indict him accordingly.”
Sinabi rin ng DOJ resolution, “[Cornejo] suffers from a very serious credibility issue [due to] major inconsistencies” sa kanyang tatlong pahinang complaint affidavits.”
Noong January 2014 ay kinasuhan ni Deniece si Vhong ng kasong panggagahasa ngunit sa kanyang unang affidavit ay sinabi naman niyang walang rape na nangyari. Sa pangalawa naman ay sinabi niyang sapilitan siyang ginahasa ni Vhong at sa pangatlo ay may nangyari raw talaga sa kanila dahil nahilo siya sa alak na may halong droga na ipinainom sa kanya.
Kasangkot sa kasong ito ang negosyanteng si Cedric Lee, at ang mga barkada nitong sina Zimmer Raz, Jed Fernandez, at Ferdinand Guerrero.

Facebook Comments