Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Palasyo ngMalacanang na posibleng idulog ni Pangulong Rodrigo Duterte kay IndonesianPresident Joko Widodo ang kaso ng Pilipinang si Mary Jane Veloso na ngayon aynakapila sa death row dahil sa kaso ng iligal na droga.
matatandaan na kahapon ay dumulog dito sa Malacanang siginang Celia Veloso kasama ang kinatawan ng migrante international paramapakiusapan si Pangulong Duterte na ilapit kay President Widodo na bigyan ngclemency ang kanyang anak at sana ay magkaroon pa ng mahabang pasensya sapaghihintay ng kasong isinampa sa recruiter ni mary jane dito sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kabilangito sa mga ilalatag na issue ni Pangulong Duterte sa kanyang bilateral meetingkay President Widodo.
Tatalakayin din aniya sa expanded bilateral meeting angmga maritime security, cross boarder traffic patrol at economic cooperation.
Bukas pa gaganapin dito sa Malacanang ang State Visit niPresident Widodo at mamayang hapon naman gaganapin ang pulong kasama si BruneiSultan Hassanal Bolkiah.
Kaso ni Mary Jane Veloso ilalapit ni Pangulong Duterte kay President Joko Widodo
Facebook Comments