Manila, Philippines – Naipadala na ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)sa Congregation for the Doctrine of the Faith sa Roma ang kaso ni Monsignor Arnel Lagarejos.
Ayon kay Archbicshop Emeritus Oscar Cruz – hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon hinggil dito.
Kamakailan, naghain ang Public Attorney’s Office at ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng kasong qualified trafficking in persons sa Department of Justice laban kay Monsignor Lagarejos na nahuling may kasamang menor de edad sa isang motel sa Marikina City.
Si Monsignor Lagarejos ay naaresto noong July 28, 2017 sa isang motel sa sumulong hi-way kasama ang trese anyos na dalagita na umanoy kanyang minolestiya.
Si Msgr. Lagarejos ay dating parish priest ng Taytay, Rizal.