Kaso ni Senador De Lima, dapat mabasura at kaagad na mapalaya ang senadora ayon kay dating Solgen Florin Hilbay

Manila, Philippines – Iginiit ni dating Solicitor General Florin Hilbay na dapat mabasura ang mga kasong inihain laban kay Senadora Leila De Lima at agad siyang palayain.

 

Ayon kay Hilbay – mali ang basehan ang pag-aresto kay De Lima at walang sapat na ebidensya para patunayan ang akusasyon.

 

Nanindigan din si Hilbay na hindi maaring gawing testigo ang mga convicted na kriminal.

 

Samakatuwid, direct bribery dapat aniya ang ikinaso sa senadora na isang bailable offense.

 

Aniya, tanging Sandiganbayan ang may hurisdiksyon sa kaso at hindi ang Muntinlupa Regional Trial Court.

 

Para naman kay Office of the Solicitor General Jose Calida – hindi na niya ikinagulat ang mga inilabas na argumento ng kampo ni De Lima.

 

Dagdag pa ni Calida – abangan sa susunod na interpelasyon kung ano ang ilalabas nitong argumento laban sa kampo ng senadora.

 

Dahil dito, hinimok ni Hilbay ang Korte Suprema na pagkomentuhin din ang Ombudsman.

 

Nakatakdang ipagpatuloy ang oral arguments sa Martes, march 21.

Facebook Comments