Pangulong Duterte, walang balak italaga si Senator Alan Peter Cayetano bilang Foreign Affairs Secretary

10

Manila, Philippines – Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na italaga ang kanyang naka-tandem noong may 2016 elections na si Sen. Alan Peter Cayetano bilang Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte na masyadong matalino si Cayetano kaya hindi dapat mawala sa senado.

 

Ayon pa kay Pangulong Duterte, sa ngayon ay kontento siya kay DFA Acting Sec. Enrique Manalo.

 

Nabatid na nabakante ang posisyon sa DFA matapos hindi makalusot sa Commission on Appointments (CA) si Sec. Perfecto Yasay dahil sa pagsisinungalin nito sa pagiging American citizen.

Facebook Comments