Kaso sa West Philippines Sea, hindi i-aakyat ng Pilipinas sa UN General Assembly – Locsin

Hindi i-aakyat ng pamahalaan ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral case laban sa China hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea sa United Nations General Assembly.

Paliwanag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na “holds sway” ang China sa international forum at napanalunan ng Pilipinas ang kaso sa Permanent Court of Arbitration ng patas.

Dagdag pa ni Locsin, nais ng China na i-relitigate ang kaso.


Naniniwala rin ang kalihim na ang mga taong nais dalhin ang arbitration case sa UN Assembly ay ang mga gusto lamang i-angat ang kanilang mga sariling career.

Ang Estados Unidos at ilang bansa sa Europe ang nagpetisyon na sa UN Court na ipatupad ang arbitral ruling.

Aminado si Locsin na nasupresa siya sa biglang pagkilala ng European nations sa pagkapanalo ng Pilipinas gayung may ilang bansa sa rehiyon ang hindi nagpakita ng suporta dahil nakikita nilang isang mayamang bansa ang China.

Nanindigan din ang kalihim na ang arbitral ruling ay bahagi na ng international law.

Facebook Comments