Cauayan City,Isabela- Ibinasura ng Ombudsman ang kasong korapsyon laban kay dating Lone District Congressman at ngayo’y Gobernador na si Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya at 4 na iba pa na kinabibilangan nina Former Deputy Director General Dennis Lacson Cunanan, Former Group Manager Maria Rosalinda Masongsong Lacsamana, Former Chief Accountant Villaluz Jover, at Former Budget Officer Consuelo Espiritu pawang mga kinatawan ng Technology Resource Center (TRC).
Nag-ugat ang kaso laban kay Padilla at mga kasamahan dahil sa hindi umano maayos na paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nagkakahalaga ng pitong milyong piso (P7,000,000.00) na ni-release ng Department of Budget and Management (DBM) taong 2007 sa ilalim ng Special Allotment Release Order (SARO) para sana sa financial assistance ng Technology Resource Center (TRC) sa pagpapatupad ng iba’t ibang livelihood programs sa Lone District ng Nueva Vizcaya na kalauna’y sinampahan ng kaso ang opisyal at iba pa, pitong taon na ang nakakalipas.
Si dating Director General Antonio Yrigon Ortiz at dating Department Manager na si Francisco Baldoza Fugura ay tuluyan namang pinatawan ng kasong paglabag sa Sec 3 (e) ng RA 3019 o Anti-Graft and Corruption Practices Act.
Matatandaan na noong Abril 14, 2008 ng pumasok sa isang kasunduan si Ortiz kasama si Padilla at Alfredo Ronquillo, na siyang Presidente at Chairman ng Board of Trustees ng Aaron Foundation Philippines Inc. (AFPI), na siyang napiling magpatupad ng livelihood projects.
Kaakibat umano ng pagpapatupad ng proyekto sa ilalim ng kasunduan ang 5% management fee at 5% products and services habang 10% na retention fee na ibabalik sa TRC kung sakaling matapos na ang proyekto at liquidation process na pirmado ni Padilla hanggang noong Abril 10, 2008, ipinag-utos naman ni Lacsamana ang released ng PDAF.
Dahil dito, nakitaan umano ng korte ng probable cause para kasuhan si Ortiz dahil sa pagbibigay ng unwarranted benefits sa AFPI na nagdulot ng labis na pinsala sa gobyerno sa kabuuang P6,600,000.00 na nai-transfer sa AFPI.
Hindi rin nakaligtas sa kasong Malversation under Article 217 ng Revised Penal Code si Ortiz at Figura dahil sa pagpayag umano nito sa AFPI sa pamamagitan ng pagpapasakamay ng P5,600,000.00 at P700,000.00.
Sa 17 pahinang desisyon ng korte, tuluyan ng binasura ang kaso laban kina Padilla, Cunanan, Lacsamana, Jover, at Espiritu dahil sa kakulangan umano ng ebidensyang magpapatunay na sangkot sila sa anomalya.