KASONG GRAFT | Mayor ng San Andres, Romblon – kinasuhan sa Sandiganbayan

Romblon – Kinasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang Alkalde ng San Andres, Romblon dahil sa paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.

Kaugnay ito ng umano ay kwestiyonableng pagbili ni Mayor Fernald Rovillos ng mga punla sa halagang P550,000 noong 2014.

Bukod sa Alkalde, kaparehong kaso rin ang kinahaharap ng dating Municipal Accountant na si Melinda Gaac, Planning And Development Officer Mary Claire Mortel, Bids and Awards Committee Chairman Caezal Valiente, BAC Vice Chairman Gay Tan at member na si Genny Vergara.


Nilabag umano ng mga akusado ang government procurement reform act at ang commission on audit circular no. ‎2012-001 dahil direktang pagbibigay nila ng kontrata sa perlas seed growers sa kabila ng kakulangan nito ng certification mula sa DTI.

P30,000 ang inirekomendang piyansa ng prosekusyon sa bawat akusado.

Facebook Comments