KOLORUM | 17 na sasakyan, huli sa operasyon ng I-ACT sa Laguna

Laguna – 17 mga kolorum na sasakyan ang nasita ng mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic sa Sta. Rosa, Laguna.

Karamihan sa mga nahuli ay mga pumapasadang van pero gumagamit ng plaka na pang-pribadong sasakyan.

Wala rin silang naipakitang permit at prangkisa.
Tiniketan ang mga driver nito habang nakatakdang i-impound ang mga nahuli nilang sasakyan.


Facebook Comments