Kasong ihahain laban kay Senador Antonio Trillanes IV, inihahanda na ng DOJ

9
Manila, Philippines- Inihahanda na ng Department of Justice at Office of the Solicitor General ang kasong ihahain laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
 
Dahil ito sa patuloy na paninira ni Trillanes sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo — kasong inciting to sedition ang maaring isampa kay Trillanes dahil sa destabilization plot nito para mapatalsik ang pangulo.
 
Giit ni Panelo, sapat na ang mga public statements ng Senador para gawing ebidensya laban sa kanya.

Facebook Comments