Kumpirmasyon ni DEPED Secretary Leonor Briones – lusot na Commission on Appointments

274
Manila, Philippines – Lusot na sa Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Cabinet Sec. Leonor Briones bilang kalihim ng Department of Education.
 
Sa CA confirmation hearing kanina, kabilang sa mga ibinato kay Briones ay ang usapin ng “physical fitness” nito dahil na rin sa kanyang edad.
 
Sagot ng kalihim, akma at karapat-dapat siya sa posisyon sa kabila ng kanyang edad.
 
Wala naman aniyang kinalaman ang sitwasyon ng kanyang mga tuhod sa estado ng kakayahan niyang magampanan ang kanyang trabaho.
 
Inihayag din ni Briones na hindi niya pahihintulutan ang Department of Health sa pamamahagi ng condom sa mga eskwelahan.

Facebook Comments